FLORANTE AT LAURA
(Isang Awit)

ni: Francisco "Balagtas" Baltazar

Sa Babasa Nito – Paunang Salita ni Balagtas

Sa Babasa Nito

1
Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

4
Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.

5
Ang may tandang letra alinmang talata,
di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.

http://floranteatlaurastory.blogspot.com/

31 comments:

  1. can you please give me the summary of "sa babasa nito"?

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Sa Babasa Nito" is the introduction or prologue of the Filipino epic poem "Florante at Laura" written by Francisco Balagtas. It serves as a prelude to the main narrative and provides a brief overview of the poem's content and purpose. The prologue addresses the reader directly, inviting them to read and appreciate the work while also acknowledging the challenges of creating a masterpiece.

      The prologue begins by acknowledging the difficulties faced by the poet in composing the epic and expresses the hope that readers will be patient and understanding. It emphasizes the purpose of the poem, which is to serve as a mirror that reflects the virtues and vices of society. Balagtas aims to awaken the consciousness of the readers and shed light on the truth.

      The prologue also mentions the poet's desire to uplift the Filipino language and literature, encouraging readers to value their own cultural heritage. It emphasizes the importance of preserving the language and keeping it alive, reminding readers that language is an essential part of national identity.

      Overall, "Sa Babasa Nito" serves as an invitation to readers to engage with the epic poem "Florante at Laura" and appreciate its artistic and cultural significance. It sets the stage for the narrative that follows, urging readers to reflect on the lessons and values conveyed within the work.

      Delete
  2. please reply before or on Sunday January 12, 2014

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Anong ibig sabihin ng bubot at masaklap


    ReplyDelete
    Replies
    1. Halimbawa ng isang hilaw na Mangga,na kapag natira ang buto ay puro lumot lumot na o hindi maganda sa panigin.

      Ang ibig sabihin non, Kung titignan mo lang at huhusgahan ang isang kabanata na hindi mo pa tinatapos ay mas lalo mong hindi maiintindihan ang akda.. malalaman mo lang na maganda ito kung ipagpapatuloy ang nakasaad/awit.

      Delete
  5. Mag bigay po kayo ng 15 words na makakapag ugnay sa "sa babasa nito" yung sa florante at laura ❤

    ReplyDelete
  6. ano po ibig sa bihin ng 1-6 sa babasa nito??

    ReplyDelete
  7. it lingers when were done youll believe god is a womannn

    ReplyDelete
  8. Replies
    1. Ang nakasaad sa ikalima ay ang mga salitang nakasulat sa kanyang akda ay may mga malalalim na salitang maaari mong hindi maunawaan o maintindihan, kailangan mo lang ipagpatuloy sa pagbasa upang maunawaan ang mga malalalim na salitang naka-Bold o Capslock na letters.

      Delete
  9. Ano ibig sabihin nyang ibigi'talpa'y? Plss.. bukas na reporting namin HUHUHUHU HAHAHAHAHAH

    ReplyDelete
  10. Ano po ang mga kahilingan ni Francisco balagtas sa mababasa nito

    ReplyDelete
  11. Ano ang ibig ipahiwatig ng saknong 6?

    ReplyDelete
  12. ano po ang kahulugan nito "nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
    masasarapan din ang babasang pantas."?

    ReplyDelete
  13. ano po ang kahulugan nito "pasuriin muna ang luwasa't hulo,
    at makikilalang malinaw at wasto" ?

    ReplyDelete
  14. ano po ang kahulugan nito "Sa gayong katamis wikang masasarap
    ay sa kababago ng tula'y umalat."?

    ReplyDelete
  15. ano po ang kahulugan nito "ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
    pakikinabangan ng ibig tumarok"?

    ReplyDelete
  16. Ano pong aral o kaisipan sa saknong n "di ko hinihinging pakamahalin mo,tawana't dustain ang abang tula ko,gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
    kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,bago mo hatulang katkatin at liko, pasuriin muna ang luwasa't hulo, at makikilalang malinaw at wasto.

    ReplyDelete
  17. Ano pong aral o kaisipan sa saknong n "di ko hinihinging pakamahalin mo,tawana't dustain ang abang tula ko,gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
    kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,bago mo hatulang katkatin at liko, pasuriin muna ang luwasa't hulo, at makikilalang malinaw at wasto.

    ReplyDelete
  18. Ano pong mahahalagang pangyayari mayroon Ang sa babasa nito

    ReplyDelete
  19. ilang saknong po lahat ang babasa nito?

    ReplyDelete
  20. Ano po ang sinisimbolo nitong "Sa babasa nito"?

    ReplyDelete